Awit 50

Darating ang Diyos at hindi lang siya basta mananahimik. Sa unahan niyaʼy may apoy na nagngangalit, at may bagyong ubod ng lakas sa kanyang paligid.

Psalm 50:3 (UKJV) Our God shall come, and shall not keep silence: a fire shall devour before him, and it shall be very tempestuous round about him.

1Ang Panginoong Diyos na makapangyarihan ay nagsasalita at nananawagan sa lahat ng tao sa buong mundo.

2Nagliliwanag siya mula sa Zion, ang magandang lungsod na walang kapintasan.

3Darating ang Diyos at hindi lang siya basta mananahimik. Sa unahan niyaʼy may apoy na nagngangalit, at may bagyong ubod ng lakas sa kanyang paligid.

4Tinawag niya ang buong langit at mundo upang sumaksi sa paghatol niya sa kanyang mga mamamayan.

5Sinabi niya, “Tipunin sa aking harapan ang mga tapat kong pinili na nakipagkasundo sa akin sa pamamagitan ng paghahandog.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.