1Ang Panginoong Diyos na makapangyarihan ay nagsasalita at nananawagan sa lahat ng tao sa buong mundo.
2Nagliliwanag siya mula sa Zion, ang magandang lungsod na walang kapintasan.
3Darating ang Diyos at hindi lang siya basta mananahimik. Sa unahan niyaʼy may apoy na nagngangalit, at may bagyong ubod ng lakas sa kanyang paligid.
4Tinawag niya ang buong langit at mundo upang sumaksi sa paghatol niya sa kanyang mga mamamayan.