3Darating ang Diyos at hindi lang siya basta mananahimik. Sa unahan niyaʼy may apoy na nagngangalit, at may bagyong ubod ng lakas sa kanyang paligid.
4Tinawag niya ang buong langit at mundo upang sumaksi sa paghatol niya sa kanyang mga mamamayan.
5Sinabi niya, “Tipunin sa aking harapan ang mga tapat kong pinili na nakipagkasundo sa akin sa pamamagitan ng paghahandog.”
6Inihahayag ng kalangitan na ang Diyos ay matuwid, dahil siya nga ang Diyos na may karapatang mamuno at humatol.
7Sinabi pa ng Diyos, “Kayong mga mamamayan ko, pakinggan ninyo ang aking sasabihin! Ako ang Diyos, na inyong Diyos. Sasaksi ako laban sa inyo, mga taga-Israel!