1O Diyos, maawa kayo sa akin sapagkat sinasalakay ako ng aking mga kaaway. Palagi nila akong pinahihirapan.
2Kinukutya nila ako at laging sinasalakay. Sa kanilang pagmamataas, akoʼy kanilang kinakalaban.
3Kapag akoʼy natatakot, sa inyo ako magtitiwala.