1O Diyos, maawa kayo sa akin sapagkat sinasalakay ako ng aking mga kaaway. Palagi nila akong pinahihirapan.
2Kinukutya nila ako at laging sinasalakay. Sa kanilang pagmamataas, akoʼy kanilang kinakalaban.
3Kapag akoʼy natatakot, sa inyo ako magtitiwala.
4O Diyos, pinupuri ko kayo dahil sa inyong pangako. Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo. Ano baʼng magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!
5Binabaluktot lagi ng aking mga kaaway ang mga sinasabi ko. Lagi silang nagpaplano na saktan ako.