Awit 56

Kinukutya nila ako at laging sinasalakay. Sa kanilang pagmamataas, akoʼy kanilang kinakalaban.

Psalm 56:2 (UKJV) Mine enemies would daily swallow me up: for they be many that fight against me, O you most High.

1O Diyos, maawa kayo sa akin sapagkat sinasalakay ako ng aking mga kaaway. Palagi nila akong pinahihirapan.

2Kinukutya nila ako at laging sinasalakay. Sa kanilang pagmamataas, akoʼy kanilang kinakalaban.

3Kapag akoʼy natatakot, sa inyo ako magtitiwala.

4O Diyos, pinupuri ko kayo dahil sa inyong pangako. Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo. Ano baʼng magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.