Awit 56

O Diyos, pinupuri ko kayo dahil sa inyong pangako. Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo. Ano baʼng magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!

Psalm 56:4 (UKJV) In God I will praise his word, in God I have put my trust; I will not fear what flesh can do unto me.

2Kinukutya nila ako at laging sinasalakay. Sa kanilang pagmamataas, akoʼy kanilang kinakalaban.

3Kapag akoʼy natatakot, sa inyo ako magtitiwala.

4O Diyos, pinupuri ko kayo dahil sa inyong pangako. Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo. Ano baʼng magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!

5Binabaluktot lagi ng aking mga kaaway ang mga sinasabi ko. Lagi silang nagpaplano na saktan ako.

6Nagsasama-sama sila at nagsisipagtago, binabantayan nila ang lahat ng kilos ko at naghihintay ng pagkakataon upang patayin ako.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.