10Panginoong Diyos, pinupuri ko kayo dahil sa inyong mga salita at pangako.
11Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo. Ano baʼng magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!
12Tutuparin ko, O Diyos, ang mga pangako ko sa inyo. Maghahandog ako ng alay bilang pasasalamat sa inyo.
13Dahil iniligtas nʼyo ako sa kamatayan at hindi nʼyo ako pinabayaang madapa. Para mamuhay akong kasama kayo, O Diyos, sa inyong liwanag na nagbibigay-buhay.