8Nalalaman nʼyo ang aking kalungkutan at napapansin nʼyo ang aking mga pag-iyak. Hindi baʼt inilista nʼyo ito sa inyong aklat?
9Kapag tumawag ako sa inyo, O Diyos, magsisitakas ang aking mga kaaway. Alam ko ito dahil ikaw ay aking kakampi.
10Panginoong Diyos, pinupuri ko kayo dahil sa inyong mga salita at pangako.
11Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo. Ano baʼng magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!
12Tutuparin ko, O Diyos, ang mga pangako ko sa inyo. Maghahandog ako ng alay bilang pasasalamat sa inyo.