Awit 56

Kapag tumawag ako sa inyo, O Diyos, magsisitakas ang aking mga kaaway. Alam ko ito dahil ikaw ay aking kakampi.

Psalm 56:9 (UKJV) When I cry unto you, then shall mine enemies turn back: this I know; for God is for me.

7Huwag nʼyo silang hayaang matakasan ang parusa ng kanilang kasamaan. Ibagsak ninyo ang mga bansa sa inyong matinding galit, O Diyos.

8Nalalaman nʼyo ang aking kalungkutan at napapansin nʼyo ang aking mga pag-iyak. Hindi baʼt inilista nʼyo ito sa inyong aklat?

9Kapag tumawag ako sa inyo, O Diyos, magsisitakas ang aking mga kaaway. Alam ko ito dahil ikaw ay aking kakampi.

10Panginoong Diyos, pinupuri ko kayo dahil sa inyong mga salita at pangako.

11Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo. Ano baʼng magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.