Awit 56

Nalalaman nʼyo ang aking kalungkutan at napapansin nʼyo ang aking mga pag-iyak. Hindi baʼt inilista nʼyo ito sa inyong aklat?

Psalm 56:8 (UKJV) You tell my wanderings: put you my tears into your bottle: are they not in your book?

6Nagsasama-sama sila at nagsisipagtago, binabantayan nila ang lahat ng kilos ko at naghihintay ng pagkakataon upang patayin ako.

7Huwag nʼyo silang hayaang matakasan ang parusa ng kanilang kasamaan. Ibagsak ninyo ang mga bansa sa inyong matinding galit, O Diyos.

8Nalalaman nʼyo ang aking kalungkutan at napapansin nʼyo ang aking mga pag-iyak. Hindi baʼt inilista nʼyo ito sa inyong aklat?

9Kapag tumawag ako sa inyo, O Diyos, magsisitakas ang aking mga kaaway. Alam ko ito dahil ikaw ay aking kakampi.

10Panginoong Diyos, pinupuri ko kayo dahil sa inyong mga salita at pangako.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.