Awit 56

Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo. Ano baʼng magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!

Psalm 56:11 (UKJV) In God have I put my trust: I will not be afraid what man can do unto me.

9Kapag tumawag ako sa inyo, O Diyos, magsisitakas ang aking mga kaaway. Alam ko ito dahil ikaw ay aking kakampi.

10Panginoong Diyos, pinupuri ko kayo dahil sa inyong mga salita at pangako.

11Hindi ako matatakot dahil nagtitiwala ako sa inyo. Ano baʼng magagawa ng isang hamak na tao sa akin? Wala!

12Tutuparin ko, O Diyos, ang mga pangako ko sa inyo. Maghahandog ako ng alay bilang pasasalamat sa inyo.

13Dahil iniligtas nʼyo ako sa kamatayan at hindi nʼyo ako pinabayaang madapa. Para mamuhay akong kasama kayo, O Diyos, sa inyong liwanag na nagbibigay-buhay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.