Awit 59

Silaʼy nagkakasala sa kanilang mga labi sapagkat masasama ang kanilang sinasabi. Mahuli sana sila sa kanilang kayabangan, pagmumura at kasinungalingan.

Psalm 59:12 (UKJV) For the sin of their mouth and the words of their lips let them even be taken in their pride: and for cursing and lying which they speak.

10at Diyos na nagmamahal sa akin. Manguna ka sa akin at ipakita mo sa akin ang pagbagsak ng aking mga kaaway.

11Ngunit huwag nʼyo silang patayin agad upang hindi makalimutan ng aking mga kababayan kung paano nʼyo pinarurusahan ang inyong mga kaaway. O Panginoon na aming pananggalang, iligaw nʼyo at ibagsak ang aking mga kaaway sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

12Silaʼy nagkakasala sa kanilang mga labi sapagkat masasama ang kanilang sinasabi. Mahuli sana sila sa kanilang kayabangan, pagmumura at kasinungalingan.

13Sa inyong galit, lipulin nʼyo sila hanggang sa silaʼy maglaho. Sa gayoʼy malalaman ng buong mundo na kayo, O Diyos, ang naghahari sa Israel.

14Tuwing gabi ay pabalik-balik sa lungsod ang aking mga kaaway; para silang mga asong umaalulong habang silaʼy naglilibot sa bayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.