Awit 59

Ngunit huwag nʼyo silang patayin agad upang hindi makalimutan ng aking mga kababayan kung paano nʼyo pinarurusahan ang inyong mga kaaway. O Panginoon na aming pananggalang, iligaw nʼyo at ibagsak ang aking mga kaaway sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

Psalm 59:11 (UKJV) Slay them not, lest my people forget: scatter them by your power; and bring them down, O Lord our shield.

9O Diyos ikaw ang aking kalakasan. Maghihintay ako sa inyo dahil ikaw ang aking tagapagtanggol,

10at Diyos na nagmamahal sa akin. Manguna ka sa akin at ipakita mo sa akin ang pagbagsak ng aking mga kaaway.

11Ngunit huwag nʼyo silang patayin agad upang hindi makalimutan ng aking mga kababayan kung paano nʼyo pinarurusahan ang inyong mga kaaway. O Panginoon na aming pananggalang, iligaw nʼyo at ibagsak ang aking mga kaaway sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

12Silaʼy nagkakasala sa kanilang mga labi sapagkat masasama ang kanilang sinasabi. Mahuli sana sila sa kanilang kayabangan, pagmumura at kasinungalingan.

13Sa inyong galit, lipulin nʼyo sila hanggang sa silaʼy maglaho. Sa gayoʼy malalaman ng buong mundo na kayo, O Diyos, ang naghahari sa Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.