Awit 59

Sa inyong galit, lipulin nʼyo sila hanggang sa silaʼy maglaho. Sa gayoʼy malalaman ng buong mundo na kayo, O Diyos, ang naghahari sa Israel.

Psalm 59:13 (UKJV) Consume them in wrath, consume them, that they may not be: and let them know that God rules in Jacob unto the ends of the earth. Selah.

11Ngunit huwag nʼyo silang patayin agad upang hindi makalimutan ng aking mga kababayan kung paano nʼyo pinarurusahan ang inyong mga kaaway. O Panginoon na aming pananggalang, iligaw nʼyo at ibagsak ang aking mga kaaway sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

12Silaʼy nagkakasala sa kanilang mga labi sapagkat masasama ang kanilang sinasabi. Mahuli sana sila sa kanilang kayabangan, pagmumura at kasinungalingan.

13Sa inyong galit, lipulin nʼyo sila hanggang sa silaʼy maglaho. Sa gayoʼy malalaman ng buong mundo na kayo, O Diyos, ang naghahari sa Israel.

14Tuwing gabi ay pabalik-balik sa lungsod ang aking mga kaaway; para silang mga asong umaalulong habang silaʼy naglilibot sa bayan.

15Silaʼy naglilibot para humanap ng pagkain at umaalulong kapag hindi nabusog.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.