Awit 60

O Diyos, itinakwil nʼyo kami at pinabayaang malupig. Nagalit kayo sa amin ngunit ngayon sanaʼy ipakita ninyo ang inyong kabutihan.

Psalm 60:1 (UKJV) O God, you have cast us off, you have scattered us, you have been displeased; O turn yourself to us again.

1O Diyos, itinakwil nʼyo kami at pinabayaang malupig. Nagalit kayo sa amin ngunit ngayon sanaʼy ipakita ninyo ang inyong kabutihan.

2Niyanig nʼyo ang kalupaan at pinagbitak-bitak, ngunit kung maaari, ayusin nʼyo po sana dahil itoʼy parang babagsak na.

3Labis-labis na hirap ang ipinaranas ninyo sa amin na inyong mamamayan. Para nʼyo kaming nilasing sa alak at ngayon kamiʼy sumusuray-suray.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.