1O Diyos, itinakwil nʼyo kami at pinabayaang malupig. Nagalit kayo sa amin ngunit ngayon sanaʼy ipakita ninyo ang inyong kabutihan.
2Niyanig nʼyo ang kalupaan at pinagbitak-bitak, ngunit kung maaari, ayusin nʼyo po sana dahil itoʼy parang babagsak na.
3Labis-labis na hirap ang ipinaranas ninyo sa amin na inyong mamamayan. Para nʼyo kaming nilasing sa alak at ngayon kamiʼy sumusuray-suray.
4Ngunit para sa mga may takot sa inyo, nagtaas kayo ng bandila bilang palatandaan ng aming pagtitipon sa oras ng labanan.