2Niyanig nʼyo ang kalupaan at pinagbitak-bitak, ngunit kung maaari, ayusin nʼyo po sana dahil itoʼy parang babagsak na.
3Labis-labis na hirap ang ipinaranas ninyo sa amin na inyong mamamayan. Para nʼyo kaming nilasing sa alak at ngayon kamiʼy sumusuray-suray.
4Ngunit para sa mga may takot sa inyo, nagtaas kayo ng bandila bilang palatandaan ng aming pagtitipon sa oras ng labanan.
5Iligtas nʼyo kami at tulungan sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan. Pakinggan nʼyo kami, upang kaming mga minamahal nʼyo ay maligtas.
6O Diyos, sinabi nʼyo roon sa inyong templo, “Magtatagumpay ako! Hahatiin ko ang Shekem at ang kapatagan ng Sucot upang ipamigay sa aking mga mamamayan.