Awit 60

Iligtas nʼyo kami at tulungan sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan. Pakinggan nʼyo kami, upang kaming mga minamahal nʼyo ay maligtas.

Psalm 60:5 (UKJV) That your beloved may be delivered; save with your right hand, and hear me.

3Labis-labis na hirap ang ipinaranas ninyo sa amin na inyong mamamayan. Para nʼyo kaming nilasing sa alak at ngayon kamiʼy sumusuray-suray.

4Ngunit para sa mga may takot sa inyo, nagtaas kayo ng bandila bilang palatandaan ng aming pagtitipon sa oras ng labanan.

5Iligtas nʼyo kami at tulungan sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan. Pakinggan nʼyo kami, upang kaming mga minamahal nʼyo ay maligtas.

6O Diyos, sinabi nʼyo roon sa inyong templo, “Magtatagumpay ako! Hahatiin ko ang Shekem at ang kapatagan ng Sucot upang ipamigay sa aking mga mamamayan.

7Sa akin ang Gilead at Manases, ang Efraim ay gagawin kong tanggulan at ang Juda ang aking tagapamahala.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.