Awit 60

O Diyos, sinabi nʼyo roon sa inyong templo, “Magtatagumpay ako! Hahatiin ko ang Shekem at ang kapatagan ng Sucot upang ipamigay sa aking mga mamamayan.

Psalm 60:6 (UKJV) God has spoken in his holiness; I will rejoice, I will divide Shechem, and mete out the valley of Succoth.

4Ngunit para sa mga may takot sa inyo, nagtaas kayo ng bandila bilang palatandaan ng aming pagtitipon sa oras ng labanan.

5Iligtas nʼyo kami at tulungan sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan. Pakinggan nʼyo kami, upang kaming mga minamahal nʼyo ay maligtas.

6O Diyos, sinabi nʼyo roon sa inyong templo, “Magtatagumpay ako! Hahatiin ko ang Shekem at ang kapatagan ng Sucot upang ipamigay sa aking mga mamamayan.

7Sa akin ang Gilead at Manases, ang Efraim ay gagawin kong tanggulan at ang Juda ang aking tagapamahala.

8Ang Moab ang aking utusan at ang Edom ay sa akin din. Sisigaw ako ng tagumpay laban sa mga Filisteo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.