Awit 60

Labis-labis na hirap ang ipinaranas ninyo sa amin na inyong mamamayan. Para nʼyo kaming nilasing sa alak at ngayon kamiʼy sumusuray-suray.

Psalm 60:3 (UKJV) You have showed your people hard things: you have made us to drink the wine of astonishment.

1O Diyos, itinakwil nʼyo kami at pinabayaang malupig. Nagalit kayo sa amin ngunit ngayon sanaʼy ipakita ninyo ang inyong kabutihan.

2Niyanig nʼyo ang kalupaan at pinagbitak-bitak, ngunit kung maaari, ayusin nʼyo po sana dahil itoʼy parang babagsak na.

3Labis-labis na hirap ang ipinaranas ninyo sa amin na inyong mamamayan. Para nʼyo kaming nilasing sa alak at ngayon kamiʼy sumusuray-suray.

4Ngunit para sa mga may takot sa inyo, nagtaas kayo ng bandila bilang palatandaan ng aming pagtitipon sa oras ng labanan.

5Iligtas nʼyo kami at tulungan sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan. Pakinggan nʼyo kami, upang kaming mga minamahal nʼyo ay maligtas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.