30Sawayin nʼyo ang bansang kaaway na parang mabagsik na hayop sa talahiban. Pati na rin ang mga taong tila mga torong kasama ng mga guya hanggang sa silaʼy sumuko at maghandog ng kanilang mga pilak sa inyo. Ikalat nʼyo ang mga taong natutuwa kapag may digmaan.
31Magpapasakop ang mga taga-Ehipto sa inyo. Ang mga taga-Etiopia ay magmamadaling magbigay ng kaloob sa inyo.
32Umawit kayo sa Diyos, kayong mga mamamayan ng mga kaharian sa mundo. Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon,
33na naglalakbay sa kalangitan mula pa nang pasimula. Pakinggan ninyo ang kanyang dumadagundong na tinig.
34Ipahayag ninyo ang kapangyarihan ng Diyos na naghahari sa buong Israel. Ang kalangitan ang nagpapakita ng kanyang kapangyarihan.