31Magpapasakop ang mga taga-Ehipto sa inyo. Ang mga taga-Etiopia ay magmamadaling magbigay ng kaloob sa inyo.
32Umawit kayo sa Diyos, kayong mga mamamayan ng mga kaharian sa mundo. Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon,
33na naglalakbay sa kalangitan mula pa nang pasimula. Pakinggan ninyo ang kanyang dumadagundong na tinig.
34Ipahayag ninyo ang kapangyarihan ng Diyos na naghahari sa buong Israel. Ang kalangitan ang nagpapakita ng kanyang kapangyarihan.
35Kahanga-hanga ang Diyos ng Israel habang siyaʼy lumalabas sa kanyang banal na tahanan. Binibigyan niya ng kapangyarihan at kalakasan ang kanyang mga mamamayan. Purihin ang Diyos!