Awit 69

O Diyos, iligtas nʼyo ako sapagkat tulad ako ng isang taong malapit nang malunod.

Psalm 69:1 (UKJV) Save me, O God; for the waters are come in unto my soul.

1O Diyos, iligtas nʼyo ako sapagkat tulad ako ng isang taong malapit nang malunod.

2Tila lulubog na ako sa malalim na putik at walang matutuntungan. Para akong nasa laot at tinatabunan ng mga alon.

3Pagod na ako sa paghingi ng tulong at masakit na ang aking lalamunan. Dumidilim na ang paningin ko sa paghihintay ng tulong nʼyo, O Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.