27Idagdag nʼyo ito sa kanilang mga kasalanan at huwag nʼyo silang iligtas.
28Burahin nʼyo sana ang kanilang pangalan sa aklat ng buhay at huwag isama sa talaan ng mga matuwid.
29Nasasaktan ako at nagdurusa, kaya ingatan nʼyo ako, at iligtas, O Diyos.
30Pupurihin ko ang Diyos sa pamamagitan ng awit. Pararangalan ko siya sa pamamagitan ng pasasalamat.
31Kalulugdan ito ng Panginoon higit sa handog na mga baka.