Awit 69

Burahin nʼyo sana ang kanilang pangalan sa aklat ng buhay at huwag isama sa talaan ng mga matuwid.

Psalm 69:28 (UKJV) Let them be blotted out of the book of the living, and not be written with the righteous.

26Dahil inuusig nila ang mga taong inyong pinarurusahan, at ipinagsasabi sa iba ang paghihirap na nararanasan ng mga ito.

27Idagdag nʼyo ito sa kanilang mga kasalanan at huwag nʼyo silang iligtas.

28Burahin nʼyo sana ang kanilang pangalan sa aklat ng buhay at huwag isama sa talaan ng mga matuwid.

29Nasasaktan ako at nagdurusa, kaya ingatan nʼyo ako, at iligtas, O Diyos.

30Pupurihin ko ang Diyos sa pamamagitan ng awit. Pararangalan ko siya sa pamamagitan ng pasasalamat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.