Awit 69

Pupurihin ko ang Diyos sa pamamagitan ng awit. Pararangalan ko siya sa pamamagitan ng pasasalamat.

Psalm 69:30 (UKJV) I will praise the name of God with a song, and will magnify him with thanksgiving.

28Burahin nʼyo sana ang kanilang pangalan sa aklat ng buhay at huwag isama sa talaan ng mga matuwid.

29Nasasaktan ako at nagdurusa, kaya ingatan nʼyo ako, at iligtas, O Diyos.

30Pupurihin ko ang Diyos sa pamamagitan ng awit. Pararangalan ko siya sa pamamagitan ng pasasalamat.

31Kalulugdan ito ng Panginoon higit sa handog na mga baka.

32Kapag nakita ito ng mga dukha, matutuwa sila. Lahat ng lumalapit sa Diyos ay magagalak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.