29Nasasaktan ako at nagdurusa, kaya ingatan nʼyo ako, at iligtas, O Diyos.
30Pupurihin ko ang Diyos sa pamamagitan ng awit. Pararangalan ko siya sa pamamagitan ng pasasalamat.
31Kalulugdan ito ng Panginoon higit sa handog na mga baka.
32Kapag nakita ito ng mga dukha, matutuwa sila. Lahat ng lumalapit sa Diyos ay magagalak.
33Dinidinig ng Panginoon ang mga dukha at hindi niya nalilimutan ang mga mamamayan niyang nabihag.