Awit 7

kung ginantihan ko nga ng masama ang mabuting ginawa ng aking kaibigan, o kung sinamsam ko ang mga ari-arian ng aking mga kaaway nang walang dahilan,

Psalm 7:4 (UKJV) If I have rewarded evil unto him that was at peace with me; (yea, I have delivered him that without cause is mine enemy:)

2Baka patayin nila ako, katulad ng pagluray ng leon sa kanyang biktima, kung walang magliligtas sa akin.

3Panginoon kong Diyos, kung totoong ginawa ko ang kasalanang ito,

4kung ginantihan ko nga ng masama ang mabuting ginawa ng aking kaibigan, o kung sinamsam ko ang mga ari-arian ng aking mga kaaway nang walang dahilan,

5hayaan nʼyong akoʼy usigin at talunin ng aking mga kaaway. Hayaan nʼyong akoʼy tapak-tapakan hanggang sa mamatay, at pabayaan sa lupa ang aking bangkay.

6O Panginoon kong Diyos, ipakita nʼyo ang inyong galit sa aking mga kaaway na sobrang nagngingitngit. Ipakita ninyo ang inyong pagiging makatarungan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.