Awit 7

O Panginoon kong Diyos, ipakita nʼyo ang inyong galit sa aking mga kaaway na sobrang nagngingitngit. Ipakita ninyo ang inyong pagiging makatarungan.

Psalm 7:6 (UKJV) Arise, O LORD, in yours anger, lift up yourself because of the rage of mine enemies: and awake for me to the judgment that you have commanded.

4kung ginantihan ko nga ng masama ang mabuting ginawa ng aking kaibigan, o kung sinamsam ko ang mga ari-arian ng aking mga kaaway nang walang dahilan,

5hayaan nʼyong akoʼy usigin at talunin ng aking mga kaaway. Hayaan nʼyong akoʼy tapak-tapakan hanggang sa mamatay, at pabayaan sa lupa ang aking bangkay.

6O Panginoon kong Diyos, ipakita nʼyo ang inyong galit sa aking mga kaaway na sobrang nagngingitngit. Ipakita ninyo ang inyong pagiging makatarungan.

7Tipunin nʼyo ang lahat ng bansa sa palibot nʼyo, at pamahalaan nʼyo sila mula sa langit.

8Kayo Panginoon ang humahatol sa lahat ng tao. Patunayan nʼyo sa kanila na mali ang kanilang mga paratang laban sa akin. Sapagkat alam nʼyo na akoʼy matuwid, at namumuhay nang wasto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.