Awit 7

hayaan nʼyong akoʼy usigin at talunin ng aking mga kaaway. Hayaan nʼyong akoʼy tapak-tapakan hanggang sa mamatay, at pabayaan sa lupa ang aking bangkay.

Psalm 7:5 (UKJV) Let the enemy persecute my soul, and take it; yea, let him tread down my life upon the earth, and lay mine honour in the dust. Selah.

3Panginoon kong Diyos, kung totoong ginawa ko ang kasalanang ito,

4kung ginantihan ko nga ng masama ang mabuting ginawa ng aking kaibigan, o kung sinamsam ko ang mga ari-arian ng aking mga kaaway nang walang dahilan,

5hayaan nʼyong akoʼy usigin at talunin ng aking mga kaaway. Hayaan nʼyong akoʼy tapak-tapakan hanggang sa mamatay, at pabayaan sa lupa ang aking bangkay.

6O Panginoon kong Diyos, ipakita nʼyo ang inyong galit sa aking mga kaaway na sobrang nagngingitngit. Ipakita ninyo ang inyong pagiging makatarungan.

7Tipunin nʼyo ang lahat ng bansa sa palibot nʼyo, at pamahalaan nʼyo sila mula sa langit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.