Awit 76

Doon, sinira niya ang mga nagniningas na palaso ng kaaway, ang kanilang mga pananggalang, espada at iba pang kagamitang pandigma.

Psalm 76:3 (UKJV) There brake he the arrows of the bow, the shield, and the sword, and the battle. Selah.

1Kilalang-kilala ang Diyos sa Juda, at sa Israel ay dakila siya.

2Nakatira siya sa bundok ng Zion sa Jerusalem.

3Doon, sinira niya ang mga nagniningas na palaso ng kaaway, ang kanilang mga pananggalang, espada at iba pang kagamitang pandigma.

4O Diyos, makapangyarihan kayo at higit na dakila habang bumababa kayo sa bundok na kung saan pinatay nʼyo ang inyong mga kaaway.

5Binawi nʼyo sa matatapang na sundalo ang kanilang mga sinamsam. Silang lahat ay namatay na; wala nang makakapagbuhat pa ng kamay sa amin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.