1Kilalang-kilala ang Diyos sa Juda, at sa Israel ay dakila siya.
2Nakatira siya sa bundok ng Zion sa Jerusalem.
3Doon, sinira niya ang mga nagniningas na palaso ng kaaway, ang kanilang mga pananggalang, espada at iba pang kagamitang pandigma.
4O Diyos, makapangyarihan kayo at higit na dakila habang bumababa kayo sa bundok na kung saan pinatay nʼyo ang inyong mga kaaway.