13O Diyos, ibang-iba ang inyong mga pamamaraan. Wala nang ibang Diyos na kasindakila ninyo.
14Kayo ang Diyos na gumagawa ng mga himala. Ipinapakita nʼyo sa mga tao ang inyong kapangyarihan.
15Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, iniligtas nʼyo ang inyong mga mamamayan na mula sa lahi nina Jacob at Jose.
16Ang mga tubig, O Diyos ay natakot at nanginig, pagkakita sa inyo.
17Mula sa mga ulap ay bumuhos ang ulan, kumulog sa langit at kumidlat kung saan-saan.