Awit 77

Kayo ang Diyos na gumagawa ng mga himala. Ipinapakita nʼyo sa mga tao ang inyong kapangyarihan.

Psalm 77:14 (UKJV) You are the God that do wonders: you have declared your strength among the people.

12Iisipin ko at pagbubulay-bulayan ang lahat ng inyong mga dakilang gawa.

13O Diyos, ibang-iba ang inyong mga pamamaraan. Wala nang ibang Diyos na kasindakila ninyo.

14Kayo ang Diyos na gumagawa ng mga himala. Ipinapakita nʼyo sa mga tao ang inyong kapangyarihan.

15Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, iniligtas nʼyo ang inyong mga mamamayan na mula sa lahi nina Jacob at Jose.

16Ang mga tubig, O Diyos ay natakot at nanginig, pagkakita sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.