11Panginoon, aalalahanin ko ang inyong mga gawa. Gugunitain ko ang mga himalang ginawa nʼyo noon.
12Iisipin ko at pagbubulay-bulayan ang lahat ng inyong mga dakilang gawa.
13O Diyos, ibang-iba ang inyong mga pamamaraan. Wala nang ibang Diyos na kasindakila ninyo.
14Kayo ang Diyos na gumagawa ng mga himala. Ipinapakita nʼyo sa mga tao ang inyong kapangyarihan.
15Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, iniligtas nʼyo ang inyong mga mamamayan na mula sa lahi nina Jacob at Jose.