Awit 80

O Diyos na Makapangyarihan, ibalik nʼyo kami sa mabuting kalagayan. Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihan upang kami ay maligtas.

Psalm 80:7 (UKJV) Turn us again, O God of hosts, and cause your face to shine; and we shall be saved.

5Pinuno nʼyo kami ng kalungkutan, at halos mainom na namin ang aming mga luha.

6Pinabayaan nʼyong awayin kami ng mga kalapit naming bansa at pinagtatawanan kami ng aming mga kaaway.

7O Diyos na Makapangyarihan, ibalik nʼyo kami sa mabuting kalagayan. Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihan upang kami ay maligtas.

8Katulad namin ay puno ng ubas, na kinuha nʼyo sa Ehipto at itinanim sa lupaing pinalayas ang mga nakatira.

9Nilinis nʼyo ang lupaing ito at ang puno ng ubas ay nag-ugat at lumaganap sa buong lupain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.