6Pinabayaan nʼyong awayin kami ng mga kalapit naming bansa at pinagtatawanan kami ng aming mga kaaway.
7O Diyos na Makapangyarihan, ibalik nʼyo kami sa mabuting kalagayan. Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihan upang kami ay maligtas.
8Katulad namin ay puno ng ubas, na kinuha nʼyo sa Ehipto at itinanim sa lupaing pinalayas ang mga nakatira.
9Nilinis nʼyo ang lupaing ito at ang puno ng ubas ay nag-ugat at lumaganap sa buong lupain.
10Nalililiman ng mga sanga nito ang mga bundok at ang malalaking puno ng sedro.