1Panginoon, kayo ang aming naging tahanan sa lahat ng salinlahi.
2Bago nʼyo pa likhain ang mga bundok, ang mundo, at ang sanlibutan, kayoʼy nariyan na, sapagkat kayoʼy Diyos magpakailanman.
3Kayo ang nagpapasya kung kailan mamamatay ang isang tao. Ibinabalik nʼyo siya sa lupa dahil sa lupa siya nagmula.
4Ang isang libong taon sa amin ay parang isang araw lang na lumipas sa inyo, o parang ilang oras lang sa gabi.